Tuesday, July 6, 2010

-. matagal ko ng hinihintay ang pagkakataon na ito na ilabas
ang aking nararamdaman sa mga taong nakapalibot sa aking paligid
sa pamamagitan nito mababawasan ang bigat ng nararamdaman ko.
hindi naging madali para sa akin na gawin ang mga bagay na alam kong makakaapekto
sa akin at sa relasyon ko sa mga taong malapit sa puso ko.
hindi rin naging madali sa akin ang magdesisyon na alam ko na sa bandang huli pagsisisihan ko. Mahirap talaga ipakita ang tunay mong nararamdaman lalo na sa mga taong
tunay na nakakkilala sayo.Masakit para sa akin na maramdaman ang mga ito.,
Kahit anong iyak ang gawin ko,kahit anong iwas ang gawin ko hindi pa rin mawala
sa isipan ko ang mga bagay na nagpapabigat sa puso ko. haissst minsan dumadating
sa punto na parang ayoko na,suko na ako, hands up nah. pero dahil sa mga taong
nakakaalam ng tunay kong kalagayan hindi ko na magawa ang mga bagay na sa tingin ko tama. naiinis man ako sa mga taong pumipigil sa akin pero kailangan ko pa din silang
sundin dahil sila lang naman ang may alam ng aking buhay. minsan tinatanung
ko sa aking sarili sino ba ang dapat kung sundin?
sila ba na napagsasabihan ko ng mga problema ko?
o yung mga taong nakasama at nag alaga sa akin mula ng ako'y bata pa?
o ang sarili ko na hindi rin alam ang dapat gawin? naguguluhan ako..,
hindi ko maisip kung san ba dapat ako pumusition. it's very hard for me to choose.
try to help with my problem cause even me didn't no how to solve it.

No comments:

Post a Comment